4,580

Aug 30, 2018 @ 15:31
By

‘Kiki Girl’ sa EDSA hahanapin ng NBI

Nagpatulong na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang babae sa viral video na nag-Kiki Dance Challenge sa EDSA.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Piolago, nabatid na nila na Micha Anne Gabuten ang pangalan ng nasa viral video.

Padadalhan ito ng abiso na kailangan nitong magbayad ng P500 multa para sa jaywalking.

Ang nagmaneho naman ng sasakyan para kay Gabuten ay pagmumultahin ng P500 para sa reckless driving. Kung ito rin ang kumuha ng video, kakasuhan ng paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

“Siya nga po ‘yung si Micha Anne Gabuten. We are coordinating with the NBI para sa address para alam namin kung saan ipapadala ang summon. Still working pa po. Kasi hindi mahanap sa cctv. We hae to review the CCTV whole day kasi walang time and date na nakalagay,” sabi ni Piolago.

Si Gabuten ang kauna-unahang gumawa ng dance challenge sa EDSA.

Paulit-ulit nang nagpaalala ang MMDA at ang Department of Transportation (DOTr) na kakasuhan ang magsasagawa ng Kiki Dance Challenge sa mga daanan ng sasakyan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?