222

Mar 18, 2021 @ 23:59
By

Kielvj nadisgrasya bago MPL S7

Oras na lang ang binibilang bago ang MPL PH Season 7 nang bigla pang maaksidente ang bagong player ng Execration na si Kiel ‘Kielvj’ Hernandez.

Binahagi ng kanyang ina na si Marvi ang kalagayan ni Kielvj, kung saan makikitang nakaupo ito sa wheelchair.

Mapapansin din ang dugo sa mga mukha ng Execration core.

“Nabagsakan siya ng kama double deck meron isa nakahiga sa taas. Buti na lang nahawakan nya pa,” paliwanag ng kanyang ina.

Nag-post naman sa kanyang Facebook account si Kielvj at hiniling na sanay maging maayos ang kanyang kalagayan para makapaglaro siya para sa pagsisimula ng MPL Season 7.

Accident Emergency 🙏🙏🙏

Kiel Vj Hernandez

Posted by Marvi Sijan on Thursday, March 18, 2021

Sakaling hindi makapaglaro, nakaantabay ang sixth man ng Execration na si ‘Z4pnu’ Billy Alfonso.

Nakatakdang buksan ng Execration ang kanilang kampanya kontra sa Smart Omega.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?