43

Feb 10, 2018 @ 11:01
By

Kiefer, sinagip ang NLEX kontra Meralco

Nagwagi matapos ang dikdikang laban kontra Meralco Bolts ang NLEX, 87-85, kagabi sa PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Naging bayani ng Road Warriors si Kiefer Ravena sa pagpasok ng buzzer-beater shot.

Tumapos si Ravena ng 21 points, seven rebounds, four assists.

Balik tikas naman ang beteranong si Larry Fonacier na tumulong ng 17 points, si Kevin Alas ay may 15 points habang tumipa ng 12 points si Alex Mallari.

Mukhang iuuwi na ng NLEX ang panalo nang mag-3 points shot si Ravena at dalawang free throws si JR Quiñahan na nagbasag sa tablahan sa iskoring at abante na ang Road Warriors, 85-82, 18 segundo na lang ang nalalabi.

Ngunit naitabla ito ng Bolts sa 85-all matapos makakuha ng three point play si Chris Newsome dahil sa pagkaka-foul ni Ravena, may 15 segundo na lang sa fourth quarter.

Sa NLEX ang huling hawak ng bola, gumawa ng superhero move si Ravena, na nagbaon ng fadeaway 16-footer sa walang nagawang depensa ni Newsome, at naiuwi ng Road Warriors ang ika-apat na panalo.

Tinanghal naman si Reynel Hugnatan ng Bolts na pang-88th member ng 5,000 points club bago mag-umpisa ang second half.

Ang pagkatalo ng Meralco ay lalong nagpalubog sa kanila sa 2-6 rekord habang tumabla ang Road Warriors sa mga koponan na Phoenix, Talk ‘N Text at Ginebra na may 4-4 win-loss rekord.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?