15

Sep 17, 2020 @ 18:28
By

Kiefer Ravena umaray sa parusa ng PBA

Paniguradong good news sa mga PBA athlete ang balita na sa Oktubre ay posible nang magbalik-aksyon ang liga sa Pampanga.

Ngunit kasunod ng magandang development ay ang masakit na parusa para sa mga atleta na mahuhuling lalabag sa protocol ng PBA bubble.

Hindi napigilan ni NLEX star Kiefer Ravena ang mapaaray ng mabasa ang bigat ng parusa para sa sinumang manlalaro na magtatangkang magpasaway sa pagbabalik ng PBA.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, P100,000 ang multa para sa mga sasaway sa bubble protocol, bukod pa dito ay iipitin din ang isang buwan na suweldo ng player.

Hindi pa diyan natatapos dahil masususpende rin ang manlalaro ng tatlo hanggang limang laro.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?