117

Dec 27, 2017 @ 17:40

Kiefer Ravena nakasungkit ng unang PBA Player of the Week award

Nakopo ni rookie Kiefer Ravena ang una niyang karangalan sa pro league matapos tanghaling PBA Player of the Week.

Siya rin ang unang nabigyan ng award ngayong 43rd season.

Nakapagposte ang dating Ateneo Blue Eagles star ng averages na 19 points, 8.5 assists, 4.5 rebounds at dalawang steals sa panalo ng NLEX Road Warriors kontra KIA Picanto at GlobalPort Batang Pier para masungkit ang unang PBA Press Corps Player of the Week.

Pinataob niya para sa karangalan ang teammate niya na si JR Quinahan, ang San Miguel big man na si June Mar Fajardo, sina Ginebra’s Greg Slaughter, Meralco forward KG Canaleta at Rain or Shine’s big men Beau Belga at Raymond Almazan.

Maagang nagpasiklab ang two-time UAAP MVP kung saan mayroon agad itong triple-double na 18 points, 12 assists at seven rebounds para tulungan ang NLEX na ipagpag ang Picanto, 119-115, sa unang salang ng kanyang koponan sa PBA Philippine Cup.

Matapos ang limang araw ay pinatunayan muli ni Ravena ang husay matapos namang lumagare ng 20 points, limang assists, dalawang rebounds at apat na steals sa paghaharap nila ng GlobalPort na pinagwagian ng Road Warriors, 115-104, noong Pasko sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?