622
kiefer4
Jun 2, 2018 @ 13:28
By

Kiefer Ravena, nadawit nga lang ba sa doping scandal?

Maraming basketball fans ang nadismaya matapos bigyang leksyon ang NLEX rookie at Gilas player na si Kiefer Ravena at patawan ng isa’t kalahating taong ban kasunod ng paglabag sa anti-doping rules.

Kasabay ng ‘di mabilang na bashers, maraming tao sa likod ng doping scandal ang inaakusahan.

Bilang ace player ang basketbolista, maraming ugong ang nagsasabing pinagagamit daw umano ito ng coaching staff ng Gilas upang mapanatili ang pagiging agresibo sa court.

Isa rin sa mga sinisising dahilan ang volleyball phenom girlfriend na si Alyssa Valdez na nagrerekomenda at humihikayat daw kay Ravena.

“Malaki ka na kiefer! Alam mo kung ano ang iniinum mo. Si Alyssa Valdez lang kasi nagpapagamit niyan!” facebook comment ni Mac n Tiosh.

Maaalalang nadawit rin si Ravena nitong nakaarang linggo lamang sa isang Viber scandal at hinihinalang ang isyu ang isa sa maaaring dahilan ng doping scandal.

Humarap na sa publiko si Ravena at inamin ang pagkakamali, ngunit wala pa umanong statement ang basketball star sa totoong rason nito sa paggamit ng hinihinalang droga.

Sa kabila ng suspension ni Ravena, kinukumbinsi ang PBA na isailalim din ang ibang basketball players sa drug testing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?