111

Feb 20, 2020 @ 16:30
By

Kiefer Ravena kay Poy Erram: Ayaw kita kakampi

Si Kiefer Ravena nga ba ang dahilan kay piniling ilipat ng NLEX Road Warriors ang kanilang big man na si Poy Erram.

Sa isang article tungkol sa pagka-trade ni Erram patungong TNT, may isang netizen ang nang-intriga na may isang player ang NLEX na ayaw maging kakampi ang defensive stalwart.

Sagot naman ng isa, si Kiefer daw ang ayaw maging kasangga ang 30-anyos na parte din ngayon ng Gilas Pilipinas.

Pinatulan naman ni Kief ang comment, sinabing ayaw niya ngang kakampi si Erram na may tumatawang emoji.


Pati si Erram ay nakisali na rin sa usapan, dapat umano ay tawanan na lang nila ni Kiefer ang haka-haka ng mga fan.


Sa ngayon ay hindi pa aprubado ang trade, nais ng PBA na magdagdag pa ng mga draft picks para masakatuparan ito.

Sa original trade ay mapupunta si Erram sa TNT, lipat naman si Ed Daquioag, Marion Magat at dalawang 1st round pick sa Blackwater Elite, habang ang makukuha naman ng NLEX si Anthony Semerad, at tig-isang first round at second round pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?