39

Jan 10, 2021 @ 14:42
By

Kiefer Ravena entra na sa Gilas bubble

Pumasok na si Kiefer Ravena bilang kauna-unahang player sa Gilas Pilipinas bubble training sa Laguna.

Sa Instagram story ng NLEX star, pinakita nito ang kanyang pagdating sa National University-Laguna campus kung saan mag-eensayo ang PH national team.

Sa ngayon ay hindi pa nilalabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang kumpletong pool kung saan inaasahan ang muling pagsali ng mga pro player.

Matatandaan na sa second window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, karamihan sa mga sumalang ay mula sa amateur ranks dahil kasabay ang schedule nito sa PBA bubble noon.

Sa Pebrero 18 magsisimula ang huling window ng Fiba tournament, kung saan haharapin ng Gilas ang Korea ng dalawang beses, at Indonesia.

Gaganapin ang third window sa Clark, Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?