88

Dec 20, 2017 @ 19:14

Kiefer Ravena, ‘best player of the game’ kontra KIA

Nakaiwas sa masamang umpisa ang NLEX Road Warriors matapos dagitin ang panalo kontra KIA Picanto, 119-115, sa unang salang sa PBA Philippine Cup nitong Miyerkules sa Filoil Flying V Centre.

Hindi lang promosyon ang galing ni Kiefer Ravena matapos kumana ng triple-double na 18 points, 12 assists, pitong rebounds at dalawang steals para tanghaling best player of the game.

Si Larry Fonacier naman ang nagtarak ng panapos na 3-point shot at four-point play na nag-abante sa Road Warriors para makaraos sa panakot ng Picanto.

“It was exactly what we expected: a hard-fought game,” ani NLEX coach Yeng Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?