52

Jul 24, 2021 @ 12:23
By

Kiefer pinayagan na maglaro sa Japan

Wala nang makakapigil sa pagpapakitang-gilas ni Kiefer Ravena sa Japan.

Ito ay matapos ianunsyo ng NLEX na nagkasundo na sila ng PBA para bigyan ng go signal si Kiefer na lumaro sa Japan B. League ng isang season at matapos ay babalik siya sa roster ng Road Warriors.

“The NLEX Road Warriors are happy to announce that an agreement has been reached with the PBA to allow Kiefer to play in Japan B. League for one season,” pahayag ni NLEX official Ronald Dulatre sa isang press conference nitong Sabado.

June 2021 pumirma sa Shiga Lakestars si Ravena ngunit hinarang siya ng PBA dahil sa existing contract sa NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?