16

Jan 7, 2021 @ 16:44
By

Kiefer natuwa sa mga bagong kontrata ng NLEX big men

Mananatiling matikas ang frontline ng NLEX Road Warriors sa pagpirma nina Mike Miranda, Raul Soyud at JR Quinahan ng bagong kontrata.

Ito’y matapos ang pirmahan ng kontrata kasama si NLEX Corp. Assistant Vice President Ronald Dulatre at kanilang agent na si Danny Espiritu.

Nag-ambag ng 13.8 points, 6.5 rebounds at 3.0 assists si Quinahan sa bubble, at matagal nang alaga ni NLEX head coach Yeng Guiao buhat noong sila’y nasa Rain or Shine pa.

Habang umarangkada naman ang laro ni Raul Soyud na gumawa ng 10.0 points at 6.8 rebounds, dahilan para manomina sa Most Improved Player award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?