57

Apr 10, 2020 @ 17:24
By

Kiefer nabilib sa bakanteng Marcos Highway

Namangha si NLEX star Kiefer Ravena na ang dating kalsadang puno ng kotse ay sobrang luwag ngayon.

Binahagi ni Kiefer ang isang litrato na kuha ni Randy Ravena, kung saan makikitang tila isang malaking bakanteng parking lot ang Marcos Highway.

“Crazy how one of the busiest roads in the Metro becomes dead silent at night,” sey sa caption ni Kiefer.

Patunay aniya ito na sumusunod ang mga tao sa enhanced community quarantine na pinatupad ng gobyerno para labanan ang COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?