83

Nov 8, 2021 @ 22:33
By

Kiefer kay Alyssa: Sana kabugin niya ibang housemates!

Ano kayang sey ni Kiefer Ravena ngayong nasa loob ng ‘Pinoy Big Brother’ house ang kanyang girlfriend na si Alyssa Valdez?

Sa live ni Kiefer, sinabi niya na sana’y maging masaya sa ‘Bahay ni Kuya’ si Aly.

“(I hope) everybody there get to know her a lot better, and I’m sure they will enjoy her company,” sey ni Kiefer.

“She’s a great person to be around with, very positive, kalog kasama,” aniya pa.

Nagtanong din si Kiefer kung may nananalo ba sa PBB, at sinabi niyang sana’y maging mas mahusay si Alyssa sa mga task kumpara sa ibang housemate.

“I hope that everybody could stay healthy inside the house, and for her to accomplish all the task, better than everybody else, I guess,” sambit pa ng Japan B.League guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?