25

Oct 10, 2017 @ 11:50

Kiefer, Jeron; PBA-Ready!

Lumalim ang ang pool ng 33rd PBA Rookie Draft 2017 sa darating na Oct. 29 sa Robinsons Place Manila sa Ermita sa pagpasok ng isa sa amateur scorer, Jeron Teng tatlong araw bago ang deadline.

Kahapon din ay nag-deklara ang dating Phenom ng Ateneo na si Kiefer Ravena na handa na rin siyang sumabak sa Draft.

“#PBADraft2017 Here we go” post ni Ravena (@kieferravena) sa Twitter kahapon.

Tulad ng mga nauna sa kanila, dadalhin nina Ravena at Teng ang karibalan na nagsimula sa UAAP paakyat ng pro league.

Huling nagsama ang dalawa sa Chooks to Go Pilipinas na sumabak sa FIBA Asia Champions Cup sa China noong nakaraang buwan.

Inaasahang swak ang 23-year-old, 6-foot-2 swingman na si Teng sa top 5 na kabibilangan nina Fil-German big man Christian Standhardinger, fellow former La Salle Green Archer Jason Perkins, at NCAA standouts Rey Nambatac ng Letran Knights at Sidney Onwubere ng Aguinaldo Generals.

“I think I’m ready. I’ve been working hard to improve every day, working hard on my weaknesses, and improving on what I can improve on,” bigkas ni Teng, susundan ang yapak ng amang si defense specialist Alvin at kuya na si Jeric.

Nakadalawang titulo ang batang Teng sa UAAP para sa DLSU at dalawang beses ding naging Finals MVP bago naging top pick noong isang taon at nagpasiklab sa PBA D-League.

May average na 23.2 points, 8.2 rebounds, at 4.4 assists sa AMA Online Education 2017 Aspirants’ Cup, at 22.2 pts., 6.9 rebs., at 5.8 asts. sa Flying V sa 2017 Foundation Cup, na rito’y may league record pang most triple-double (3). (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?