222

Nov 20, 2021 @ 10:47

Kiefer inintriga sa ‘kapitbahay’ ni Alyssa

Hindi nakatakas sa mga ‘Marites’ si Kiefer Ravena matapos siyang idikit sa umano’y kasama sa bahay ng kanyang girlfriend na si Alyssa Valdez.

Sa Facebook post ng Juan Manila, sinabi na isang young actress ang umano’y madalas mag-text sa Japan B.League star.

Isa sa mga clue na ibinigay ay kasama daw ngayon sa bahay ni Alyssa ang naturang artista.

Sa ngayon ay nasa loob ng ‘Pinoy Big Brother’ house si Alyssa, kung saan lahat ng kasama niya doon ay nasa showbiz industry.

Napansin naman ni sports journalist Snow Badua ang naturang post, at nagbigay din siya ng kanyang clue.

“Clue: Hey Google. Hey Siri. May isa pa. Ano nga pala yun?” wika ni Snow.

Pumalag naman ang kapatid ni Kiefer na si Dani Ravena sa kumakalat na tsismis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?