95

By

Kiefer hinayang, ‘di makakasama si Alyssa

Halata ang panghihinayang ng NLEX Road Warriors guard na si Kiefer Ravena dahil sa pagkakasuspende nito sa basketball activity kasama na ang PBA.

Sa kanyang tweet, isinaad ni Kiefer na hindi pa rin ito makakabalik sa PBA, ngunit ang mas lalong sayang sa 25-anyos na manlalaro ay ang pagiging muse ng NLEX ng kanyang nobya na si volleybelle star Alyssa Valdez.

“Missing this year’s PBA opening especially with Alyssa Valdez as our muse. I’ll be back out there in no time,” pakli sa tweet ni Kiefer.

Sa Agosto 24 pa ngayong taon matatapos ang suspensyon ni Ravena matapos mabakuran ng Fiba sa lahat ng basketball activity dahil nag-positive sa banned substance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?