56

Dec 21, 2019 @ 20:40
By

Kiblawan, Davao del Sur inuga ng magnitude 4.4 na lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol ng alas-6:53 ng gabi nitong Disyembre 21 sa bayan ng Kiblawan.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 1 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Malungon, Sarangani; Intensity 2 sa Tupi, South Cotabato at Intensity I sa Kidapawan City; Alabel, Sarangani at Koronadal City.

Isang linggo ito matapos yumanig ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur na kumitil ng may 12 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?