3

Oct 6, 2020 @ 23:39
By

Kib nagbulakbol sa ngalan ng PBA

Natupad ang pangarap.

‘Di itinanggi ni former La Salle Green Archer Kib Montalbo na nagka-cutting class siya nang bata pa para lang makanood ng PBA lalo na kung sa probinsya nila sa Bacolod maglalaro ang pro league.

“Every time when [PBA] go to Bacolod, I would always try to watch. Kahit may class kami I would try to skip class just to watch the PBA live,” pag-amin ni Kib sa Sportspage Martes kung saan tinarget din niyang maging basketbolistang gaya ng mga nasa liga.

“I would go to the games early. Parang if 4pm yung start ng game I would be there at 2pm to watch the shoot around and get a picture of my idols,” throwback pa niya.

Kaya ngayong propesyuonal na manlalaro na siya at kabilang pa sa isa mga astig na koponan sa PBA na TNT Tropang Giga, katuparan na aniya ito ng kanyang pangarap.

“It’s a dream come true for me,” masayang panapos niyang sambit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?