28

Khloe Kardashian nanganak ng baby girl

Sharing is caring!

Nagsilang na ang reality TV star na si Khloe Kardashian ng kanyang unang anak, isang baby girl, sa isang ospital sa Cleveland Ohio noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa celeberity website na TMZ, ang unang baby ni Khloe ay pangatlo sa Kardashian family.

Naunang nagsilang ng baby sa pamamagitan ng surrogate ang panganay na si Kim Kardashian sa Chicago noong nagdaang taon habang ang half-sister naman nilang si Stormy ay nanganak noong Pebrero.

Naunang nang inihayag ni Khloe noong Disyembre na magkakaroon ng sila ng baby ng kanyang boyfriend na si Tristan Thompson, naglalaro sa Cleveland Cavaliers.

Bago ang panganganak ni Khloe, lumabas ang video kung saan nakikipaghalikan si Thompson sa isang brunette sa isang night club sa New York.

Si Khloe ay dating asawa ng retiradong NBA player na si Lamar Odom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?