82
Khloe Kardashian in-unfollow si Jordyn dahil kay Thompson
Feb 22, 2019 @ 15:11
By

Khloe Kardashian in-unfollow si Jordyn dahil kay Thompson

Inalis na umano ni Khloe Kardashian sa listahan ng kanyang following sa Instagram si Jordyn Woods pero ang dating boyfriend na nagtaksil sa kanyang si Tristan Thompson ay pina-follow pa rin nito.

Ayon sa source ng People, sinusubukan umano ni Jordyn na mag-reach out kina Khloe, Kylie Jenner at sa iba pang pamilya para humingi ng paumanhin.

Pero dalawang araw matapos mabunyag ang paglalandian nina Thompson at Jordyn, ay nagpahayag ng kanyang feelings ang Revenge Body star sa modelong si Jordyn.

In-unfollow na rin umano ng kapatid niyang si Kim Kardashian si Jordyn pati na si Tristan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?