18
amir-khan
By

Khan puntirya sina Spence, Thurman

Nananatiling mataas ang kumpiyansa ni Amir Khan kahit matagal na siyang hindi nakikipag-upakan matapos ang May 2016 knockout defeat niya sa noo’y WBC middleweight ruler na si Saul ‘Canelo’ Alvarez.

Nakatakdang bumalik sa aksyon ang former world champion na si Khan (31-4, 19KOs) ngayong Abril 21 kontra Phil Lo Greco sa Echo Arena sa Liverpool at patutunayan niyang kabilang pa rin siya sa mga mababangis na welterweight fighters sa kasalukuyang henerasyon.

At pagkatapos nito, nais niyang isunod alinman kina IBF champion Errol Spence o WBA/WBC titlist Keith Thurman.

“I think Thurman beats [Spence], but I would love to fight Thurman myself – because Thurman with the style he’s got would be an ideal fight for me. And also a fight with someone like Spence [would be ideal for me], because he’s a southpaw and I have a 100% record against any southpaw. No southpaw has ever beaten me,” pagyayabang ni Khan.

Giit pa nito, bata pa siya at marami pang mapapatunayan sa kanyang boxing career.

“I’m 31, I’m at the peak of my career now. I’ve done it many times before. I’ve had losses and came back. A lot of people will always put me down and say ‘Amir is no good, he ain’t got a chin.’ But look at the last fight. Even though I got knocked out by Canelo who is a lot bigger and stronger than me, and who is a great fighter – he would have knocked out any welterweight with a shot like that,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?