30

By

Khalil hirap aminin ang relasyon kay Gabbi

Sharing is caring!

Dinepensahan ng singer-actor na si Khalil Ramos ang kanyang sarili dahil sa issue na siya ang sumira sa loveteam nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Dahil sa madalas silang makita ni Gabbi na magkasama, may nabuong kuwento na may relasyon na sila kaya walang choice ang GMA-7 kundi ang buwagin na ang GabRu loveteam.

Isa pa naman ang GabRu loveteam na inalagaan ng GMA-7 at naging patok ang team-up nila sa mga teleserye na My Destiny, Let The Love Begin, Encantadia, Naku Boss Ko at Sherlock Jr. Inaabangan din sila every Sunday sa Sunday Pinasaya.

“Pagkasira ng love team? I don’t think I’m any part of that.

“I was never part of, you know, the business, that’s what I mean. Outside kami sa showbiz.

“Hindi naman kami yung, like, all out na, ‘Hello, this is me and Gab.’ I mean, we’re good friends, we go out, pero we’re just really chill.

“Regarding that issue, I have nothing against the love team.

“It never became part of my life, kumbaga. I understand we’re working,” sey ni Khalil.

Pero sa isang interview nito kamakailan, inamin na ni Khalil na exclusively dating na sila ni Gabbi.

“We’re very close, and we go out. She’s special to me,” diin pa ni Khalil na parang hirap na hirap aminin ang relasyon kay Gabbi.

Kaya para sa mga umaasa na maibabalik pa ang GabRu loveteam, mukhang hindi na ito mangyayari. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?