323

Nov 1, 2019 @ 18:29
By

Khalil at Gabbi, ‘Aladdin’ ang peg sa Tokyo

Japan ang naging destinasyon ng ilang Kapuso stars nitong Halloween.

Mas naging makabuluhan ang biyahe ni Gabbi Garcia sa Japan dahil kapiling niya ang boyfriend niyang si Khalil Ramos sa Tokyo.

Naglabas ng picture si Khalil sa Twitter kasama ang girlfriend na naka-costume para sa Halloween.

Tweet ng young singer-actor, “Tell me princess @gabbi, now when did you last let your heart decide.”

May halik pa sa pisngi ni Gabbi si Khalil sa picture, huh!

Bukod kay Gabbi, lumipad din si Kyline Alcantara patungong Japan pati na si Heart Evangelista na walang keber sa jetlag kahit kagagaling lamang sa Rome!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?