266
Key player ng Toronto, posibleng magbalik sa Finals
By ,

Key player ng Toronto, posibleng magbalik sa Finals

Sa pagpasok ng NBA Finals, mukhang makakabalik na ang isa sa mga stalwart player ng Toronto Raptors.

Umaasa ang Raptors na makakabalik na sa tropa ang forward nito na si OG Anunoby sa championship series kontra Golden State Warriors sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) sa Toronto.

Ayon sa tweet ni Toronto Sun sportswriter Ryan Wolstat, ‘quietly optimistic’ ang Raptors sa pagbabalik ni Anunoby sa serye kahit hindi pa ito sigurado, magiging malaking tulong kay Kawhi Leonard ang pagbabalik nito.

Nagpahinga ang isa sa mga wings mula ng sumailalim sa emergency appendectomy noong Abril at isa ito sa primary backup ni Leonards at uma-average ito ng 7.0 points at 2.9 rebounds per game sa 67 games appearances ngayong season.

“OG does not have a timetable for coming back,” sabi ni Raptors coach Nick Nurse told reporters. “He is being more active every day. He’s moving pretty good, he’s shooting, etc., but still a ways away from being able to take hits and contact in the areas that he needs to test out.”

Pinadapa ng Raptors ang Milwaukee Bucks sa Game 6 ng Eastern Conference Finals nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) para lumusot sa kauna-unahang Finals appearance nito.

Kung makakabalik si Anunoby, malaki ang magiging tulong nito sa tropa kontra sa mas paboritong Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?