21

By

Kevin Murphy hindi ‘dirty player’

Sharing is caring!

Sa labanang San Miguel kontra Phoenix kagabi sa PBA Governors’ Cup, sangkot sa insidente si San Miguel import Kevin Murphy at ang Phoenix forward Calvin Abueva.

Nagkainitan sina Murphy at Abueva ika-4:13 minuto sa huling canto at nagkasabitan. Nakasakal ang braso ni Murphy kay Abueva at binitbit malapit sa bench ng Phoenix at saka naglapitan ang iba pang player.

Natawagan ng flagrant foul penalty 1 si Murphy at agad na umapela si Abueva dahil masyadong magaan ang tawag, na dapat ay flagrant foul penalty 2.

“F1 lang yun? E hirap na nga akong huminga,” ani Abueva pagkatapos ng 115-100 talo. “Try ko rin para malaman kung gaano ka-F2 or ka-F1 ‘yan,” dagdag pa ni Abueva.

Ayon naman kay Murphy, hindi headlock ang kanyang ginawa. “I was really just trying to hold him up, it just so happened that my arm was around his neck. But I didn’t choke him. I was just holding him. He kept pushing back.”

“I’m not a dirty player. It is what it is. I don’t think I did nothing that big to make it a big, old… you know what I’m saying,” dagdag pa ni Murphy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?