162

Nov 19, 2021 @ 18:19
By

Kevin Ferrer nag-asawa na

Ikinasal na ang dating Barangay Ginebra player na si Kevin Ferrer.

Ibinahagi niya sa Instagram ang naging kasal sa kanyang long-time girlfriend na si MM Belarmino, na isang civil wedding noong Huwebes.

“A new chapter of our life is about to begin,” caption ni Ferrer.

“I love you, husband. I can’t wait to spend every minute of everyday with you!” sambit naman ni Belarmino.

Kasalukuyang naglalaro si Ferrer sa NorthPort Batang Pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?