24

By

Kevin Durant, pasyal uli sa Pinas!

Sharing is caring!

Pagkatapos ng pitong taon, muling magbabalik ang two-time NBA Finals MVP na si Kevin Durant sa Pilipinas bilang bahagi ng promosyon ng Nike sa Hulyo 8.

Makakadaupang-palad ng fans si Durant sa 9th Avenue, Nike Park Fort, Bonifacio Global City bandang alas-12:30 ng hapon para sa isang meet-and-greet session at champion’s welcome.

Ibabahagi rin ng Golden State Warriors superstar ang kaniyang talent sa mga Pinoy hoops fan sa isasagawang training session sa KD Nike Hyper Court Team All-Star Challenge sa Araneta Coliseum.

“We are thrilled to have Kevin Durant with us this time around for the first time ever in Manila… we hope he will also be able to feel and experience the enthusiasm of the Filipinos’ puso, where basketball lies at the heart of the nation,” ayon kay Nike Philippines marketing manager Jino Ferrer.

Labas din ngayong Hulyo 1 ang bagong sapatos ni KD na “Still KD” at sa Hulyo 8 kasabay ng pagdating ni Durant ay ang eksklusibong release ng KD11 “Peach Jam” sa Titan Park Fort at Nike Park Fort. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?