Kevin Durant, na-eject sa laro kontra Orlando Magic

Sharing is caring!

Na-eject sa 4:52 ng 4th quarter si Golden State Warriors All-Star Kevin Durant matapos mabuwisit sa mga reperi nang hindi pakinggan ang kanyang reklamo na dapat bigyan siya ng dalawang tira sa free throw line matapos ma-foul, sa 133-112 panalo ng kanyang koponan kontra Orlando Magic.

Na-foul umano kasi si 6-foot-11 Durant sa final quarter ni Magic point guard Elfrid Payton na nasa ‘act of shooting’.

Kakakulit umano ni Durant sa reperi ay pinalayas na ito sa court.

“Oh yeah, it should have been two shots, but he didn’t give me an explanation on that,” ani Durant ukol sa reperi na si Eric Lewis.

“I guess because I kept asking him about it, he tossed me.”

Sang-ayon din si Warriors coach Steve Kerr sa reklamo ni Durant na aniya’y nakakapagtaka dahil kitang-kita naman umano na nasa aktong titira ang huli bago na-foul.

Ngunit hindi ito pinakinggan ni Lewis kung saan desidido itong ‘non-shooting foul’ ang nangyari.

Sa sumunod na posesyon matapos nito’y nag-drive sa basket ang iritable nang si Durant na nakakuha ng contact kay Magic forward Aaron Gordon at nakapagpasok ng mahirap na jumper sa paint bago bumagsak.

Dito’y pumunta agad siya kay Lewis at nagsabi ng kung ano na nagmitsa upang mapatalsik siya sa laro.

Ayon kay Kerr, may sinabi umanong ‘bad word’ si Durant kaya na-eject sa laro.

Nakatapos na may 25 points, 7 assists at game-high na apat na tapal sa 30 minutong nilaro si Durant.

Si Durant ang ikatlong superstar player na napatalsik sa laro.

Kamakailan lang ay first-time na na-eject ni Cleveland Cavaliers forward LeBron James sa kaagahan ng laban ng kanyang koponan sa Miami Heat at sumunod ay na-eject din si New Orleans Pelicans forward Anthony Davis at pinagmulta ng $25,000 dahil sa verbal abuse umano sa isang reperi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?