14

Feb 16, 2021 @ 14:54
By

Kesa umalyado sa China! ‘Pinas mas makikinabang sa VFA – Ruffy Biazon

Para kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, Pilipinas ang may malaking pakinabang sa Visiting Forces Agreement at hindi ang Amerika.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, sinabi ni Biazon na kayang isulong ng Amerika ang kanilang interes kahit wala ang VFA.

“Mas malaki ang pakinabang ng Pilipinas sa VFA kaysa Amerika,” giit ni Biazon, na vice-chairman ng House committee on national defnse and security.

“Sila, kaya nila isulong ang interes nila kahit walang VFA, kasi ang interes naman nila ay iyong tinatawag na free and open Indo-Pacific,” lahad pa ng mambabatas, kung saan pinunto niya na madaling nakapapasok ang mga aircraft ng USA sa karagatan ng Asya.

Isa aniya sa tulong ng VFA sa Pilipinas ay ang pagpapakita na may malakas na kaalyado ang bansa pagdating sa seguridad.

“So para sa’kin ang benepisyo niyan, more on sa atin, kasi naipapakita natin sa mga karatig bansa na may kaalyado tayo sa larangan ng depensa at security,” saad ni Biazon.

Ito umano ay para na rin maprotektahan ang Pilipinas sa bansa tulad ng China, na banta sa teritoryo at exclusive economic zone dahil na rin sa agawan sa West Philippine Sea.

“Conflict of interest sila sa atin eh. Inaagaw nila ang mga bahagi ng karagatan na tayo ang may karapatan,”giit ng kongresista.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magbayad ang Amerika kung gustong magpasok ng mga sundalo sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?