54

Aug 20, 2018 @ 13:33
By

Kerwin Espinosa, mananatili sa kustodiya ng NBI – Manila RTC

Mananatili pa rin sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) at hindi ililipat sa Manila City Jail ang umano’y big-time drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ito ay dahil pinagbigyan o kinatigan ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ang mosyon o kahilingan ni Kerwin na huwag siyang ikulong sa City Jail.

Nauna dito’y iginiit kasi ni Espinosa sa kanyang Urgent Ex-Parte Motion for Issuance of Commitment Order na delikado ang kanyang buhay sa nasabing kulungan.

Dahil dito’y inatasan ni Presiding Judge Silvino Pampilo Jr., ang NBI na panatilihin si Kerwin sa kanilang pasilidad.

Nilinaw ni Judge Pampilo sa kanyang desisyon na si Kerwin kasi ay nasa ilalim pa rin ng WPP o Witness Protection Program.

Nakabinbin sa Manila RTC ang reklamong isinampa ng pulisya laban kay Kerwin kaugnay naman ng illegal drug trade sa Albuera, Leyte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?