17

Nov 26, 2021 @ 16:05
By

Kennon Road sa Baguio bukas na

Binuksan na sa mga motorista ang Kennon Road sa Baguio City tuwing Biyernes hanggang Linggo simula November 26.

Ito ay upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa quarantine checkpoint sa Marcos Highway.

Maaaring dumaan sa Kennon Road ang mga motoristang patungong Baguio ng alas-5 ng madaling-araw ng Biyernes hanggang alas-5 ng madaling-araw ng Linggo.

Ang mga paalis naman o pababa sa Baguio, maaaring dumaan sa Kennon Road ng alas-5 ng madaling-araw hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Linggo.

Pinaalalahanan ang mga turista na magrehistro sa “Visita Baguio” website para sa QR-coded tourist pass.

Hindi na kailangang sumalang sa RT-PCR test ang mga fully vaccinated tourist ngunit dapat magpakita ng vaccination card. (IS)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?