32
Kennon Road, pansamantalang bubuksan para sa maliliit na sasakyan
By

Kennon Road, pansamantalang bubuksan para sa maliliit na sasakyan

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pansamantalang pagbubukas sa mga motorista ng Kennon Road simula sa Huwebes, Pebrero 14 hanggang Pebrero 18 gayundin sa Pebrero 22 hanggang Marso 4.

Ayon sa DPWH, papayagang makaraan sa Kennon Road ang mga light vehicle na paakyat ng Baguio City para bigyang-daan ang mga dadalo sa Philippine Military Academy Alumni Homecoming at Panagbenga Festival.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, pawang mga light vehicle ang papagayan sa Kennon Road o mga sasakyang may maximum weight na limang tonelada.

Layon nito na mabawasan ang volume ng mga sasakyan sa Marcos Highway na inaasahang dadagsa sa dalawang magkasunod na malalaking okasyon.

“The DPWH-CAR and other members of Kennon Road Task Force have agreed to open Kennon Road just for motorists going to Baguio. Those leaving Baguio can then utilize Marcos Highway, Naguilian Road or the Asin-Nangalisan-San Pascual- Tubao Road,” saad ni Villar.

Nilinaw naman ng DPWH na ang mga galing sa Baguio pababa ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Naguilan Road o sa Asin-Nangalisan-San Pascual-Tubao Road.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?