14

By

Kenken Nuyad wish ma-meet ang idol na Bossing Vic

Sharing is caring!

Masaya ang child actor na si Kenken Nuyad sa takbo ng kanyang showbiz career.

Bukod kasi sa nanalo siya ng award kamakailan, marami rin siyang projects ngayon.

Nang makahuntahan namin siya, nalaman namin na si Bossing Vic Sotto pala ang number-one niyang idol.

Esplika ni Kenken, “Gusto ko po talaga si Bossing Vic, pinaka-idol ko po siya dahil ang galing niyang magpatawa. Si bossing pa tito ang galing niya umakting at ang bait pa

“Ang iba ko pong favorite na actor sa GMA-7 ay sina kuya Dingdong Dantes, kuya Ruru (Madrid), kuya Sef Cadayona po…

“Sa ABS naman, sina kuya John Prats, kuya Jayson Gainza, kuya Daniel Padilla at si kuya Coco Martin po. Sobrang happy ko nga nang nakasama ako sa FPJ’s Ang Probinsyano po.”

Pahabol pa niya, “Si bossing po at kuya Daniel, di ko pa po sila na-meet at nakasama talaga. Sina kuya Coco at kuya Dingdong, super bait nila, seryoso po sila. Akala ko ‘di sila mabait, yun pala ang bait, kinakausap po nila ako,” nakangiting saad pa ni Kenken.

Nabanggit pa ni Kenken na wish niyang makasali sa MMFF entry na ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’.

“Sana kunin nila ako, ni kuya Coco na maging sidekick niya o kaya ni Bossing Vic at makita ko na rin si bossing Vic, yun talaga ang wish ko po sa Pasko, na makasama ko silang dalawa.

“Hindi ko pa po kasi nakikita si Bossing Vic, kasi noong sumali po ako dati sa Eat Bulaga sa Batang Pinoy Henyo, wala po siya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?