62

Feb 1, 2020 @ 21:55
By

Kenin reyna ng Australian Open

Ginulat ni Sofia Kenin ng Amerika si two-time major champion Garbine Muguruza ng Spain nitong Sabado matapos kunin ang unang grand slam sa Australian Open.

Pakitang gilas si Kenin matapos araruhin ang kanyang kalaban sa 4-6, 6-2, 6-2 sa loob ng 2 oras at 3 minuto at maging pinakabatag manlalaro na nakasungkit ng tropeo sa loob ng 12 taon.

Mula 14th ranggo ay angat naman ito sa 7th at asam na maging kalibel ng pinakasikat na tennis player na si Senera Williams na nasa rank 1.

“My dream officially came true, I can’t describe this feeling,” aniya “It’s amazing, dreams come true. If you have dreams, go for it, it’s going to come true.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?