14

By

Kendrick Lamar, kinabog ang ibang artist, inuwi ang Pulitzer Prize for music

Sharing is caring!

Gumawa ng kasaysayan ang rapper na si Kendrick Lamar matapos na maiuwi ang prestiyosong Pulitzer Prize for music.

Makasaysaysayan ito dahil si Lamar ang kauna-unahang musikero na hindi classical o jazz artist na nanalo ng nasabing award.

Kinilala ang 30 anyos na rap artist para sa kanyang album na “DAMN” na inilarawan ng Pulitzer board na isang “virtuosic song collection” na sumasalamin sa buhay ng isang modernong African American.

Bukod sa pagkilala, mag-uuwi din sa Lamar ng $15,00 prize money.

Kabilang sa mga dating nagwagi ng nasabing award sina Bob Dylan, Duke Ellington, George Gershwin, Thelonious Monk, John Coltrane at Hank Williams, pero kailan man ay wala pang artist na katulad ni Lamar na nagwagi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?