118

Sep 24, 2021 @ 14:20
By

Kendra maagang nagdalaga, matured pumorma

Mukhang si Kendra Kramer na yata ang bagong kahuhumalingan ng susunod na henerasyon.

Sa edad kasing 12 anyos ay kitang-kita na ang potensyal nitong maging kilabot kapag nagdalaga na.

Sa Instagram post niya nitong Huwebes, makikita ang kanyang mirror selfies kung saan nakasuot siya ng gray sweater, white cardigan at black leggings na tila ba’y matured kung pumorma.

“Outfit of the day yesterday. Going to the dentist. Miss going out so much so mom helped pick some clothes out (actually, these are all my mom’s),” caption ni Kendra sa kanyang post.

Si Kendra ang panganay na anak ng celebrity coouple na sina Chesca at Doug. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?