128

Jul 5, 2022 @ 13:20
By

Kendra finlex ang tig-P480K na Rolex

Mapalad si Kendra Kramer sa kanyang mga magulang.

Bilang patunay, sa kanyang ika-13 kaarawan noong Hunyo 25 ay nakatanggap si Kendra ng Rolex watch mula kina Doug at Cheska.

Ipinasilip ang bagong relo sa vlog noong Sabado. Isang Rolex Lady Datejust na relo umano ang regalo kay Kendra. Batay sa ilang ulat, ang isang 28mm na Lady Datejust na relo ay nagkakahalaga na ng P489,500.

“I think, what’s the most important thing is what Mommy and I and your siblings have shown you is how quality and quantity of time is so important,” paliwanag ni Doug sa kanilang napiling regalo.

“So as a symbol of time, this is a little reminder of how precious you are and how precious time is, okay?” saad pa ng erpat ni Kendra.

Nagbiro naman si Cheska at sinabing, “Pumayag ako kasi I’m gonna wear that too, noh!”

**https://www.youtube.com/watch?v=73jaikV3fgc

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?