563
vic-sotto1
Mar 27, 2018 @ 20:17
By

Kendoll natakot kay Bossing

Kasali si Tenten Mendoza na PA ni Alden Richards bilang Kendoll sa ‘Taray ni Tatay’ Lenten episode ng EB bukas ng hapon (Marso 28) with Vic Sotto, Maine Mendoza, Allan K, Jimmy Santos at Anjo Yllana.

Kaibigan siya nina Bossing at Allan K at magkakasama sila sa comedy bar.

Kamusta kaeksena si Bossing?

“Naku, nakakatakot po. Kasi siyempre, si Bossing ‘yan. Tapos, first time ko pong gumanap na gano’n.”

Na-tense ba siya?

“Sobra po. Pero masaya naman po kami. Kasi, supportive din po si Bossing. Susuportahan ka niya, kasi alam niyang baguhan ka.”

Na-take 2 raw si Tenten dahil sa sobrang kaba niya.

Kinakantiyawan daw siya ni Alden sa pagiging artista niya, pero in fairness ay tinulungan siya nito at nag-throw lines pa sila dahil ayaw din nitong mapahiya siya kay Bossing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?