134
almost-a-love-story1
By

Ken naawa kina Barbie, Derrick

Hindi pa nakakausap ni Ken Chan si Barbie Forteza kaya wala siyang alam tungkol sa tweet nito na na-pull out agad sa mga sinehan ang pelikula nito with Derrick Monasterio na Almost A Love Story.

Kahit si Ken ay hindi pa raw napanood ang movie na iyon nina Barbie at Derrick dahil naging busy siya sa taping ng bagong teleserye na The Cure.

“Naimbitahan ako sa isa sa block screening ng movie nila. Pero hindi ako makarating kasi may conflict sa schedule.

“Nakakalungkot naman kung gano’n. Hindi ko alam na bigla palang na-pullout yung movie nila. Kasi may nababasa pa akong tweets ng fans nila na nakapanood sila ng movie.

“Hindi ko pa nakakausap ulit si Barbie kasi. Hopefully, magkaroon kami ng chance na magkita para ma-comfort ko naman siya,” diin ni Ken.

Masuwerte pa raw ang naging movie nila ni Barbie na This Time I’ll Be Sweeter dahil naka-two weeks ito sa sinehan.

“Hindi rin namin ini-expect iyon dahil first time lang namin ni Barbie na mag-pair sa isang movie. Medyo kinabahan din kami.

“Pero noong umabot kami ng one week tapos two weeks sa sinehan, okey na po iyon. Natuwa kami sa suporta ng mga fans,” ngiti pa ni Ken na special guest role lang ang gagawin sa The Cure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?