51

Apr 16, 2021 @ 15:24
By

Ken Chan tinupad pangarap na pulang kotse ng ina

Makalipas ang sampung taon ay tinupad ni Ken Chan ang dream car ng kanyang mama.

Sabi ni Chan, biniro siya noon ng kanyang mama na kapag naging successful ang career niya ay regaluhan niya ito ng pulang kotse.

“10 years ago pabirong sinabi sa akin ni Mama: Anak kapag naging successful ka sa career mo bigyan mo ako ng pulang kotse ah at natawa siya sa sinabi niya,” ani Chan sa Instagram post, April 15.

“Hindi niya alam na tumatak yun sa isip ko at hindi rin niya alam na tutuparin ko yung biro niya.

“This is for you Ma, enjoy the ride! I love you!”

p>Maraming kapwa niya celebrity ang na-touch sa ginawa ni Chan.

rayvercruz: “Nice one brother best feeling stay blessed.”

sanyalopez: “auhwwwww.”

nacinorocco: :Awwww!!! Congrats tita!!! Snappy salute sayo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?