232

By

Ken Chan pinabilib ang beteranang aktres na si Teresa Loyzaga

By NONIE V. NICASIO

Kabilang si Teresa Loyzaga sa mga cast ng ‘My Special Tatay’, ang bagong TV series na magsisimula na sa Setyembre 3 at mapapanood sa GMA7 tuwing hapon.

Ito ay tinatampukan ni Ken Chan at kasama rin sa serye sina Jillian Ward, Jestoni Alarcon, Lilet, Candy Pangilinan, Dominic Roco, at iba pa.

Ano ang role niya sa My Special Tatay?

Sagot ni Teresa, “I play Olivia. Wife, mother, daughter-in law. Loving wife, but very jealous and possessive. Very caring mother. Stubborn daughter in law.”

Kontrabida ba siya sa seryeng ito?

“The love of a dutyful wife and mother turns into a jealous and revengeful twist born out of events that transpired outside her control. My husband is played by Jestoni Alarcon,” aniya pa.

Ano ang masasabi niya sa mga co-star sa ‘My Special Tatay’, lalo na si Ken Chan na siyang main character dito?

Esplika ng mother ni Diego Loyzaga, “Ken is a very down to earth person. Where ever he is now in his career, he deserves it and I wish for him even better things and more blessing in the future. Not only he is a very good actor, he is a very kind person as well.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?