83

By

Ken Chan, nakipagpalitan ng tweets kay Maine Mendoza

Sharing is caring!

Nakipagpalitan ng tweets ang Kapuso actor na si Ken Chan sa Phenomenal Star ng “Eat Bulaga” na si Maine Mendoza, kahapon, August 8 sa Twitter.

Nag-post si Ken sa Twitter ng photo na tila kuha sa pictorial ng sisimulang afternoon drama na “My Special Tatay” na pagbibidahan ng aktor. Sa photo, kasama niya sina Jestoni Alarcon at Lilet Esteban.

Sa caption, sabi ni Ken, “Excited na ba kayong makilala si Boyet) hehe #MySpecialTatayMalapitNa”

Tumugon dito ang other half ng Aldub. Sabi ni Maine, “Yes yes bro! Congratulations on your new project! We cannot wait to meet Boyet like omg sana right now na? Is he from Taft too? lol congrats, Ken Chan! #MySpecialTatayMalapitNa”

Ang reply ni Ken kay Maine, “Yes yes bro! Thank you so much I was like OH MY GOODNESS IT’S MY IDOL MAINE MENDOZA (emoji) Yes he’s from taft like along Estrada St. corner Singalong St. (emoji) Thank you Meng! Congrats din sa movie niyo ah manonood kami nyan!!! (emojis). Tapos naka-tag si Maine sa thread ng kanyang post.

Ang “My Special Tatay” ay mula sa direksyon ni LA Madridejos at ang iba pang cast ay kinabibilangan nina Arra San Agustin, Teresita Loyzaga, Jillian Ward, Candy Pangilinan, Bruno Gabriel, at Carmen Soriano. It will premiere on GMA afternoon prime soon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?