553
Ken Chan, Marlo Mortel mga ulirang anak
Feb 21, 2019 @ 21:55
By

Ken Chan, Marlo Mortel mga ulirang anak

Hahangaan mo talaga si Ken Chan sa pagiging isang ulirang anak. Hindi sila nagkakalayo ng kapareho niyang singer-actor na si Marlo Mortel.

Si Marlo ay hindi binitawan ang kanyang ina hanggang sa huling sandali ng buhay nito, habang si Ken naman ay patuloy na kumakapit para madugtungan ang buhay naman ng kanyang ama.

Ang ina ni Marlo ay namatay sa sakit na breast cancer, habang ang ama naman ni Ken ay lumalaban naman sa cancer of the esophagus na isa ring kidney transplant survivor.

Si Marlo noon ay ginawang araw ang gabi para lamang maghanapbuhay upang matustusan ang magastos na pagpapagamot sa kanyang ina, at hindi naman dito nalalayo si Ken.

Ayon nga kay Ken, kahit walang matira sa kanyang suweldo mula sa kanyang teleserye at bayad sa kanyang mga raket, okey lang sa kanya basta humaba pa ang buhay ng kanyang ama.

Never naming nakilala ang yumaong ina ni Marlo, pero, ilang beses naming nakasama sa mga lakad ang ama at ina ni Ken.

Kung ang ina ni Marlon at ang ama ni Ken ay matatawag nating mga espesyal na magulang, masasabi rin nating mga espesyal na mga anak ang dalawang singer-actor na ito.

Sa panahong ito na karamihan ng mga lalaki ay umiikot ang mundo sa kanilang mga babae, nakaka-proud lang talaga na ang meron pa rin talagang katulad nina Marlo at Ken na nakatutok sa kanilang pamilya bilang mga bread winner at hindi talaga bumibitaw.

Saludo kami sa dalawang ito at nawa’y gumaling na ang ama ni Ken na katulad nga ng kanyang serye sa GMA na “My Special Tatay”, sa kanya nga ay espesyal talaga ang kanyang tatay. Nakaka-proud lang!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?