466

Nov 5, 2018 @ 15:03
By

Ken Chan loyal sa Kapuso

Walong taon ng Kapuso si Ken Chan at hindi naman puwedeng itanggi na isa siya sa mga Kapuso actor na nabibigyan ng magagandang oportunidad.

Pero ayon kay Ken nang tanungin sa isyu ng lipatan at kung naiisip o nakikita ang sarili na lilipat ng ibang network, hindi raw talaga.

“Kumportable, parang pangalawang bahay ko na ang GMA at ang mga boss, reachable sila.

“Sumbungan ko, napagsasabihan ko ng problema. Mga boss na po ng GMA ‘yan ha, kahit personal problem pa. Nakakatuwa kasi, reachable sila at for me, yun ang isang factor kung bakit ayokong lumipat ng ibang network.

At ang pangalawa at talagang palagi raw niyang naiisip ay ang utang na loob.

“Sabi ni Tatay sa akin, ni Kuya Germs, galit na galit kapag may alaga siyang lumilipat sa iba.

“Sobrang loyal ni Tatay.”

Hindi raw siya naka-attend ng formal na ipangalan kay Kuya Germs ang Studio 6 dahil nasa taping siya. Pero masayang-masaya raw siya para sa namayapang mentor.

“Alam niyo po, kamamatay pa lang ni Tatay nag-uusap na kami ni Kuya Federico na matuloy. Akala nga namin ‘di na matutuloy. Then, bigla ipinangalan kay Tatay yung studio ng Walang Tulugan.

“Feeling ko, kahit hindi namin nakikita, si Tatay.

“Alam niyo may nagsabi sa akin, nakikita raw si Tatay sa studio. Minsan sa Sunday PinaSaya raw may nakakita raw nakikita si Tatay nakaupo.”

Pero kung totoo man daw na ang mga namayapa na ay may pagkakataon na dumalaw pa rin, hindi raw nakakatakot para sa kanya kung nagpapakita man ito.

Ayon kay Ken, “Hindi talaga nakakatakot kasi, ibig sabihin na kahit nasa kabilang buhay na siya, loyal pa rin siya, happy pa rin siya sa studio niya at sa mga nangyayari.

“And for me, feeling ko inaalagaan pa rin niya ko.”

Nalungkot daw siya na hindi siya nakarating nang ipangalan na nga kay Kuya Germs ang studio. Pero dahil birthday rin nito noon, kaya ang ginawa niya raw, dumiretso siya sa sementeryo at dumalaw rito.

Sa ngayon, kung nabubuhay man siguro si Kuya Germs, siguradong proud na proud ito sa kanya dahil after ng Destiny Rose, heto’t sa afternoon prime niya na “My Special Tatay” hindi lang sila mataas sa rating, puring-puri rin siya ng mga manonood sa ipinapakita niyang pagganap bilang mentally challenged na si Boyet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,