44

Dec 23, 2017 @ 17:01
By

Kembot ni Edgar Allan waging-wagi

Maligayang-maligaya si Edgar Allan Guzman dahil sa mga papuri na natatanggap sa kanyang performance sa ‘Deadma Walking’. Umaasa si Edgar na ang kanyang gay character sa official entry ng T-Rex Entertainment at OctoArts Film sa 43rd Metro Manila Film Festival ang maging daan para magkatotoo ang mga hula na taon niya ang 2018.

Consistent si Edgar Allan sa papel na ginampanan niya dahil sa kembot pa lang, panalong-panalo na siya kaya siguradong mamahalin ng moviegoers si Mark, ang pangalan ng karakter niya.

Nang tawagan kami ni Edgar Allan sa cellphone noong Biyernes, nabanggit niya na bibisitahin nila ni Joross Gamboa ang mga sinehan na pagtatanghalan ng ‘Deadma Walking’. Sa December 25, ang opisyal na pagsisimula ng 43rd Metro Manila Film Festival. Walang pahinga si Edgar Allan dahil may taping na agad siya para sa ‘My Korean Jagiya’ sa December 26. Tatlong araw na magkakasunod ang kanyang taping para sa primetime teleserye nila nina Heart Evangelista at Alexander Lee sa GMA 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?