26

Jun 18, 2021 @ 22:36
By

Kemba Walker itatapon sa OKC Thunder

Ipamimigay na ng Boston Celtics ang starting point guard nitong si Kemba Walker sa Oklahoma City Thunder.

Ayon sa mga source ng ESPN, makukuha ng Celtics sina Al Horford, Moses Brown at ang 2023 second-round pick ng Thunder kapalit nina Walker, No. 16 overall pick sa 2021 draft at 2025 second-round draft pick ng Boston.

“The Celtics are trading Kemba Walker, the No. 16 overall pick in the 2021 draft and a 2025 second-round draft pick to Oklahoma City for Al Horford, Moses Brown and a 2023 second-round pick, sources tell ESPN,” tweet ni Senior NBA Insider Adrian Wojnarowski nitong June 18.

Nauna nang napabalita ang paghihiwalay ng Boston at ni Walker nitong offseason.

Hindi napakinabangan ng Celtics si Walker noong nakaraang taon dahil sa unstable health niya.

29 games din siyang hindi nakapaglaro nitong season dahil sa iniinda niyang injury sa tuhod, na tila hindi bumubuti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?