12

Jul 21, 2021 @ 15:18
By

Kemark Carino bibida sa Japan B.League!

Padami nang padami ang mga Pinoy na bumibiyahe sa Japan para maging pro player.

Inanunsyo ng Aomori Wat’s, koponan sa second division ng Japan B.League, na kanilang kinuha si Kemark Carino.

Si Carino ay dating manlalaro ng San Beda Red Lions, at naging parte na rin ng Gilas Pilipinas.

Naglaro si Carino sa second window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, at parte rin ng training pool para sa 2021 Fiba Asia Cup.

Bukod kay Carino, aabangan din ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano sa kanilang debut sa naturang liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?