47

Sep 9, 2021 @ 10:14
By

Kelvin Miranda tinatayuan sa gurang

Inamin ni Kelvin Miranda na mas bet nyang dyowain ang mas matanda sa kanya.

“Mas gusto ko talaga yung older than me. Mas prefer ko ’yung mas may edad sa ’kin. Five years or six years,” anang aktor sa panayam ng GMA news.

Kasabay nito, nag-promote din ng bagong show ang aktor na pinamagatang “Loving Miss Bridgette” kung saan gaganap siya bilang si “Marcus Villareal” na siyang bagets na medical student na nainlab sa kanyang guidance counselor na si “Bridgette de Leon” na siya namang gagampanan ni Beauty Gonzales.

Nakatakdang i-ere ang naturang series sa Kapuso channel sa Setyembre 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?