1,008

Mar 7, 2019 @ 11:52
By

Kelsey muling magpapaseksi para sa Victoria’s Secret

Nagpasilip ng magandang hubog ang Fil-Am model na si Kelsey Merritt para muli sa isang project sa Victoria’s Secret.

Matapos maging kauna-unahang Pinay na nakasali sa prestihiyosong modeling event, sunod-sunod ang mga naging biyaya sa buhay ni Merritt dahil sa angking kagandahan ngunit may laman din kung sumagot sa mga tanong.

Nitong nakaraang linggo lang ay sumalang bilang model ng Sports Illustrated ang Pinay beauty na nagpakita ng kakaibang alindog na talagang pinalakpakan ng madla.

Ngayon ay muling mang-aakit si Kelsey sa kanyang patikim sa Instagram at Twitter sa susunod na mga pictorial niya sa world-renowned lingerie company.

View this post on Instagram

New work for @victoriassecret ??

A post shared by Kelsey Merritt (@kelseymerritt) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?