72

Apr 23, 2021 @ 16:03
By

Kelsey Merritt sumirit alindog sa bakuna pic

Nabakunahan na kontra COVID-19 si Kelsey Merritt, kung saan marami ang nabighani nang ibahagi niya ang kanyang larawan matapos bakunahan.

Simple lang ang ayos ng Fil-Am model, ngunit kitang-kita pa rin ang kaseksihan nito at natural na ganda.

“Fully vaxxed today,” saad ni Kelsey.

Pfizer ang bakunang itinurok kay Kelsey bilang nagii-stay siya ngayon sa Los Angeles, California.

Si Merritt ang kauna-unahang Pinay na nakatapak sa Victoria’s Secret fashion show noong 2018.

Naging modelo din siya sa Sports Illustrated at naging in demand na personalidad sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?